 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Fake News' ni Msgr. Noel |
| 05 April 2021 |
| |
|
"The way to the Truth is narrow; you always walk alone."
Nagtagumpay na si Kristo sa kamatayan. Subalit kumilos ding kasabay nito ang mga kalaban upang baguhin ang istorya. Lumikha sila ng mga kasinungalingan upang linlangin ang mga tao. Sinuhulan nila ang mga tanod para ipamalita na "ninakaw ang bangkay ni Hesus sa libingan hbang sila'y natutulog." Hinadlangan nila ang pagkalat ng mabuting balita ng Pagkabuhay.
Patuloy ang pagkilos ng pwersa ng kasamaan sa ating panahon. Maraming nagpapakalat ng ang fake news. Binabago ang kasaysayan. Maraming nabubuyo sa mga maling paniniwala.
Kailangan nating kumilos. Ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ay isang kasalanan. Hinahayaan nitong mamayani ang kasamaan laban sa panig ng katwiran.
Ang Pagkabuhay ni Cristo ay nagtutulak sa atin upang, tulad ng mga apostol noon, tayo ay maging aktibo sa pagtataguyod ng kabutihan sa ating panahon: sa pagtatakwil sa kamalian at katiwalian.
*Lunes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|