Sa Isang Salita: 'Born Again' ni Msgr. Noel
13 April 2021
 
Ani Hesus kay Nicodemo: "hangga't hindi ka muling isinisilang sa tubig at Espiritu, hindi ka makapapasok sa Kaharian ng Diyos."

Ang salitang katumbas ng binyag ay bautismo (sa EspaƱol), na galing naman sa Latin na 'baptizo' (v.), na ang kahulugan ay 'ilubog.' Noong una, ang isang matandang binibinyagan ay inilulubog sa tubig ng tatlong beses : sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.

Ang paglulubog ay sagisag ng paglilibing. Namamatay ang lumang pagkatao ng isang binyagan. Sa kanyang pag-ahon, siya ay isa nang bagong nilalang. Siya ay "muling isinilang" sa tubig at sa Espiritu.

Ito ang pagiging "born again," sa tunay na kahulugan nito. Lahat tayong binyagan ay mga bagong nilikha: tinalikdan natin ang lumang sarili at niyakap ang bagong buhay kay Kristo.

Hindi na natin kailangang mag-"born again" para maging mabuting Kristiyano. Pangatawanan lang natin ang biyaya ng binyag na ating tinanggap. Noong unang Linggo ng Pagkabuhay, muli nating pinapanibago ang ating panata: Opo, itinatakwil ko si Satanas..., Opo, sumasampalataya ako kay Kristo.

Paalaala sa ating mga binyagan ni San Agustin: "Christians, be what you are."

*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN