Sa Isang Salita: 'Lunas' ni Msgr. Noel
13 April 2021
 
Sa isang natuklaw ng ahas, ang dating lason ang nagiging lunas. Mula sa kamandag, kinukuha ang gamot na panlaban sa lason nito upang hindi mamatay ang natuklaw.

"Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang, kailangang itaas ang Anak ng tao upang ang sinumang sumampalataya ang magkaroon ng buhay..."

Kamatayan ng tao ang bunga ng kasalanan. Kamatayan ni Hesus ang lunas upang ibalik ang buhay. Upang tayo ay mabuhay ayon sa Espiritu, kamatayan sa lumang pagkatao ang kailangan. Ang pagsampalataya ay pagpanaw sa dating pamumuhay na ayon sa laman.

Ito ang naranasan ng mga unang Kristiyano. Ramdam sa kanila ang bunga ng Espiritu: walang sinuman ang mahirap sapagkat lahat ay nagbabahaginan. Kayang limutin ang sarili ng isang namumuhay ayon sa Espiritu.

Nasa atin na ang lunas. Si Hesus ang ating kagalingan at kaligtasan. Mula sa salot ng Covid19, magagawa nating bumangon at magsimulang muli.

*Martes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN