 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Paningin' ni Msgr. Noel |
| 22 March 2020 |
| |
|
Hindi kailangan ang mata upang makita ang tunay na mahalaga. Kung minsan pa nga, ang mga may kumpletong paningin ang hindi makakita sa kat'wiran at katotohanan.
"Blindness is an unfortunate handicap but true vision does not require the eyes." (Helen Keller)
Ipinamalas ito ng bulag na pinagaling ni Hesus. Matagal namuhay sa dilim, sa wakas ay natagpuan niya ang Liwanag. Nanalig siya kay Hesus.
Kahit madami ang nabubulag sa pera at materyal na bagay, nawa'y manatiling matalas ang ating paningin sa mga bagay na marapat at banal.
Pagsumakitan nating makita si Hesus sa harap ng ligalig at kaguluhang hatid ng COVID pandemic. May kakayahang makakita ang pusong may tapat na pananalig.
*Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|