 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Food Matters' ni Msgr. Noel |
| 20 April 2021 |
| |
|
Ito ang pamagat ng isang public page sa Facebook. Nasasaad dito ang winika ni Hippocrates, 'Let thy food be thy medicine.' Ang pagkain ay gamot o lunas. Tamang pagkain lang ang katapat ng bawat sakit: duhat sa mataas ang sugar, kamote at saging sa may insomnia, celery sa highblood, carrot sa cancer, at marami pa! Ang ating kalusugan ay nakasalalay sa wasto o sapat na pagkain.
Sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus: "Ang aking laman ay tunay na pagkain." Si Hesus ang lunas, siya ang buhay. Ang kumain sa kanyang katawan at dugo ay magkakamit hindi lamang ng kalusugan kundi ng kaligtasan.
Sa wikang Latin, 'salus' ang salitang katumbas ng kalusugan at kaligtasan. Si Hesus ang 'Salutaris hostia' (Saving Victim), ang pari at hain sa banal na krus at sa eukaristiya. Siya ang tugon sa pinakamalalim na hinahangad ng ating buong pagkatao.
Magpakabusog tayo hindi lamang sa mga bagay na makalupa kundi sa pagkain ng ating espiritu. Kasama ni Hesus, malalampasan natin ang anumang salot at pagsubok.
*Martes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|