 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagkain' ni Msgr. Noel |
| 22 April 2021 |
| |
|
Ang gutom ay simbolo ng malalim na paghahangad ng ating espiritu. Mahirap ang walang makain, pero mas mahirap ang buhay na salat sa kahulugan. Kaya sinabi ni Hesus, "hindi lamang sa tinapay ang tao nabubuhay, kundi sa Salitang nagmumula sa bibig ng Maykapal."
Ang kahungkagan ng buhay ay nauuwi sa sakit ng espiritu. Maraming sakit, sabi ni Dr. Victor Frankl, isang Jewish survivor ng Holocaust, ay dulot ng kawalang saysay ng buhay. Aniya, "Truly there is a healing force in meaning." May kagalingan sa buhay na makahulugan.
Si Hesus ang tugon sa malalim na gutom ng puso. Sa eukaristiya, ibinigay ni Hesus ang kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay.
Anumang salot o krisis ang kinakaharap ng lipunan, madali natin itong malalampasan sapagkat batid nating may kahulugan ang ating paghihirap; may Diyos na nagmamahal at lumilingap.
*Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|