 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tinapay' ni Msgr. Noel |
| 23 April 2021 |
| |
|
Ang pagkain ay nagiging salu-salo kapag ito ay ibinahagi sa hapag. A bread becomes 'more bread' when it is broken. Anang isang may akda: "When 'I' is replaced by 'we,' even illness becomes wellness."
Pero hindi lang yan. Ang tinapay ay sagisag rin ng buhay. "Bread" ang tawag natin sa sahod o kita, at "breadwinner" ang naghahanap-buhay para sa pamilya.
Sabi ni Papa Francisco: labanan natin ang culture of waste... : throwing food away is like stealing from the tables of the poor, the hungry!"
Sa mas malalim na kahulugan, ang tinapay ay sagisag ng lahat ng pagpapalang galing sa Diyos. Ang mag-aksaya ng pera sa walang kapararakang paggasta ay insulto sa mga dukha. Ang pagsira sa kalikasan at pagpayag sa gawaing ito ay pagnanakaw sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Ginigising ng Eukaristiya ang ating budhi para makiisa sa katayuan ng mga kapus-palad. Si Kristo bilang Tinapay ng Buhay ay kaisa ng sambayanang nagugutom at nauuhaw sa katarungan at kapayapaan.
*Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
#EarthDay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|