Sa Isang Salita: 'Magpasya' ni Msgr. Noel
24 April 2021
 
Kailan tayo huling nagpasya para kay Hesus? Kailan natin tahasang pinili ang liwanag at ang daan ng katwiran.

Matapos marinig ng ilang mga tagasunod ang turo ni Hesus, sinabi nila: "Mabigat na pananalita ito." At simula noon, tinalikdan nila si Hesus. Nagpasya silang iwan ang Panginoon.

Nasaan ang ating katapatan? Sa mga sandaling ito, marami ang sinusubok kung hanggang saan natin mapapatunayan ang ating katapatan kay Kristo at sa kanyang ebanghelyo.

Ang kalooban ba natin ay kay Kristo o sa bulag na pagkampi sa ideolohiya o paniniwalang nagsusulong ng mga pagpapahalagang taliwas sa aral ni Kristo?

Ang ating pagkatao ay hinuhubog ng mga pasyang ating ginawa. Dito nahahayag kung tayo ay Kristiyano - sa katotohanan o sa pangalan lang.

*Sabado sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN