 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Trabaho' ni Msgr. Noel |
| 26 April 2021 |
| |
|
Sabi ni P. Dionisio Miranda, may tatlong antas ng pagtingin sa ating trabaho:
1) hanapbuhay (job) - ang pangunahing layunin ng paggawa ay para makatanggap ng sahod; 2) gawain (profession) - sa ating pagsunod sa tawag sa tungkulin, umuunlad tayo sa ating buhay-propesyonal; 3) tawag (vocation) - higit pa sa sahod at sa pagtupad sa tungkulin, ang trabaho ay isang ekspresyon ng mapagmahal na paglilingkod sa kapwa.
Anumang uri ng trabaho ay isang bokasyon. Tinatawag tayo na maglingkod hindi para sa pansariling pag-unlad, kundi upang itaguyod ang kabutihan ng madla. Isang magandang huwaran ang iniwan ni Hesus bilang Mabuting Pastol. Aniya, "iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa."
Paalaala ni Hesus: "Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat... Tumatakas siya palibhasay upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa."
Ngayong panahon ng Covid19 pandemic, kailangan nating maging pastol sa isa't isa, handang dumamay at lumingap. Nawa'y ang krisis na ito ay maging sandali ng paglago sa ating pagkatao sa pamamagitan ng paglilingkod, at hindi isang oportunidad para magsamantala sa paghihirap ng kapwa. Amen.
*Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|