Sa Isang Salita: 'Halimbawa' ni Msgr. Noel
29 April 2021
 
Ang buhay ng mabuting tao ay isang buháy na leksyon. "Viva lectio, vita bonorum," ayon sa isang kasabihan sa wikang Latin.

Sa ating karanasan tayo humuhugot ng kredibilidad para mangaral. Makapangyarihan ang salita ng taong nagsasabuhay ng kanyang pangangaral.

Ito ang ipinamalas ni Hesus sa paghuhugas ng paa ng mga alagad. Sa isang simbolikong paraan, ipinahayag Niya ang buod ng kanyang buhay at kamatayan sa Krus. Nais niyang pamarisan ito ng kanyang mga tagasunod.

"Ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang Panginoon." Sa paglilingkod, wala nang hihigit pa kay Hesus. Sa persona ni Hesus nagtatagpo ang guro at ang kanyang turo, ang tagapangaral at ang kanyang aral.

*Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN