 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Alamin' ni Msgr. Noel |
| 01 May 2021 |
| |
|
Makulay ang buwang ng Mayo sa mga Pilipino. Ito ang panahon ng pasasalamat sa masaganang ani at produktong galing sa pagsasaka. Ito ang dahilan kung bakit maraming kapistahan, tulad ng Flores de Maria, ay ipinagdiriwang tuwing Mayo.
Matalik na kaugnay ng siklo ng kalikasan ang mga pagdiriwang nating mga Kristiyano. Ito ay isang paalaala na tayo'y di maaring mabuhay kung hindi dahil sa bunga ng lupa at regalo ng kalikasan.
Sa panahong ito ng nagbabagong klima at umiinit na daigdig, nanganganib maputol ang kaugnayan ng tao sa kalikasan. Ayon kay Al Gore, "we live in an era of consequences." Iniuugnay ng mga scientist ang paglitaw mga bagong sakit, gaya ng salot na Covid19, sa pagkawala ng balanse sa ating ecosystem.
Inaani ng ating henerasyon ang bunga ng ating pag-abuso sa likas na yaman na bigay ng Diyos. Maraming sakahan ang nawala para magbigay daan sa industriya at sa ngalan ng huwad na pag-unlad.
Ang ating lalawigan ng Quezon, na kilala bilang coco palm province dahil sa dami ng niyog, ay patuloy na nawawalan ng itinuturing na 'tree of life.' Naglipana rin ang mapaminsalang coal plants - na ayon mismo sa UN climate chief - ay wala nang lugar sa ating makabagong panahon. Ito ay sa kabila ng katotohanang ang ibang bansa ay sumasailalim na sa 'gradual phaseout' ng coal plant, na itinuturing na pinakamalaking sanhi ng pag-init ng klima.
Ano ang panlipunang turo ng Simbahan? Ang pag-unlad ay di lamang sa aspetong ekonomiko at pinansyal. "Economic advance is not the same as human progress." Hindi lang ito paglago ng puhunan kundi isang pag-unlad na di sisira sa kalusugan ng tao at ng ating ugnayan sa kalikasan. Ani Pope Francis: "A good Christian is a responsible steward of creation."
Sa unang araw ng Mayo, panahon ng #covid19, mainam na pagnilayan kung hanggan saan tayo naging bahagi ng pagkasira ng ating tanging tahanan.
"Sooner or later, we will have to recognise that the Earth has rights, too, to live without pollution. What mankind must know is that human beings cannot live without Mother Earth, but the planet can live without humans." - Evo Morales
*Unang Araw ng Mayo, San Jose Manggagawa |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|