Sa Isang Salita: 'Ganap' ni Msgr. Noel
02 May 2021
 
"Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga." Malalim ang kahulugan ng pagsasalarawang ginawa ni Hesus ng kaugnayan sa kanya na dapat taglayin ng mga alagad niya.

* Faithful. Ang tunay na Kristiyano ay nananatiling nakakapit kay Hesus. Dumadaloy ang buhay mula sa puno patungo sa sanga. Ang ating buhay ay nakasalalay sa matalik na kaugnayan kay Hesus. Subalit ang pagiging "kaugnay" ni Hesus ay dapat patunayan sa pamamagitan ng ating katapatan sa kanyang Salita.

* Fruitful. Tanging ang sangang nakakapit sa puno ang mamumunga nang sagana. Gayundin naman, ang Kristiyanong nanghahawakan sa kapangyarihan ng Diyos ang magtataglay ng hitik, siksik at nag-uumapaw na pagpapala. Pinuputulan ang mga sanga upang lalong lumago at mamunga. Sa buhay, kailangan nating dumanas ng pagsubok at krisis upang lumago sa ating pagkatao.

* Joyful. Isang buhay na ganap at kasiya-siya ang hinahangad ng Diyos sa atin. "A sad Christian is a contradiction in terms," sabi ni Papa Francisco. Subalit ang tunay na kagalakan ay makakamtan natin kung tayo ay mananatiling nakadikit sa Diyos at nagbibigay ng saganang bunga sa ating paglilingkod.

*Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN