Sa Isang Salita: 'Tatsulok' ni Msgr. Noel
06 May 2021
 
Tatsulok daw ang 'hugis' ng tunay na pag-ibig. Ano nga ba ang triangle of love? Upang mabuo ang ugnayan ng pag-ibig, tatlong bagay ang kailangan: ang umiibig, ang iniibig at ang pag-ibig.

Hindi kumpleto ang magsing-ibig kung wala ang espiritu ng pag-ibig. At dahil ang Diyos ay pag-ibig, Siya ang bigkis na nagbubuklod sa mga nagmamahalan. Love is not about "you and me," it is about "us and God."

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig."

Pag-ibig ang katiyakan ng pananatili ng Diyos sa ating gitna. "The more we get close to one another, the more God gets close to us." Habang nananatili tayong nagmamahal sa isa't isa, nananatili din ang Diyos sa ating gitna.

Sa kabaligtaran, kapag hindi namamayani ang pagmamahal sa ating pamayanan, hindi lubos ang ating pananatili sa Diyos. Hangga't may mamumuhay sa kasalatan at kaapihan, hindi rin lubos ang pananahan ng Diyos sa ating gitna.

"The absence of God is present in the poor person. The poor are the presence of the absent God." (F. Hinkelammert)

*Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN