Sa Isang Salita: 'Dahilan' ni Msgr. Noel
07 May 2021
 
Puwede bang iutos ang pag-ibig? Ang tagubilin ni Hesus: "Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo."

Pag-ibig ang dahilan ng ating pag-iral. Ito ang kaganapan ng buhay. Sa isang tagasunod ni Kristo: to love is to live. Ipinaalaala ni Papa San Juan Pablo II, noong dumalaw siya sa Pilipinas noong 1995: "Love is our origin, love is our constant calling, love is our destiny."

Ang buhay ng tao ay nagkakaroon ng kahulugan kapag inialay bilang regalo sa iba. Walang saysay ang buhay sa labas ng pagmamahal.

Sa pagkamakasarili, pinipili ng tao ang kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit iniutos ni Kristo ang pag-ibig. Sa paglilingkod sa kapwa, namamayani sa atin ang diwang maka-Diyos. Tinatahak natin ang daan tungo sa buhay.

*Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN