Sa Isang Salita: 'Pag-uusig' ni Msgr. Noel
08 May 2021
 
Taliwas ang kalakaran ng mundo sa pagpapahalaga ng Diyos. Hindi kayang maatim ng mga makasanlibutan ang pamamayani ng kabutihan. Inuusig nila ang mga taong maka-Diyos sapagkat ayaw nila sa liwanag at katotohanan.

Kaya sinabi ni Hesus: Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin... Kung kayo ngay sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, itoy napopoot sa inyo."

Binigyang katiyakan ni Hesus na hindi tayo dapat sumuko. Mamamayani lang ang dilim kung magsasawalang-kibo ang mga taong matuwid. Tandaan natin, tulad ng pagdaan ng malakas na bagyo, kung kailan pinakamakapal ang dilim, ito ang sandali na malapit nang sumikat ang liwanag.

*Sabado sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN