 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Patnubay' ni Msgr. Noel |
| 10 May 2021 |
| |
|
"Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos."
Walang pagsalang nagaganap ngayon ang ipinahayag na ito sa ebanghelyo. Pinapaslang ang katotohanan sa ngalan ng baluktot na katwiran. Naglipana ang 'paid trolls' sa social media na nagpapakalat ng 'fake news.' Itinataguyod nito ang kultura ng karahasan at kasinungalingan para pagtakpan ang katotohanan. Ang masaklap pa nito, ipinagmamalaki ng mga nasa likod ng sistematikong panlilinlang na ito na sila ay maka-Diyos at aktibo sa pamayanang Kristiyano.
Ang ating pananampalataya ay nasa panahon ng pagsubok at pag-uusig. Hindi madaling magpaka-Kristiyano sa isang lipunang nahubog sa bulag na pagsunod sa maling kalakaran.
Subalit hindi tayo dapat mawalan ng loob. May iniwang pangako si Hesus. Magpapadala siya ng Patnubay. Ito ay ang Espiritu ng katotohanan.
Sa harap ng ligalig, may magtatanggol at magsasalita para sa atin. Ang Espiritu Santo ang buhay na presensya ni Hesus sa ating piling. Hindi tayo nag-iisa.
*Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|