 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Katapusan' ni Msgr. Noel |
| 11 May 2021 |
| |
|
Tila walang ubos ang balita ng katiwaliang nagaganap sa araw-araw. Lumilipas ang isa upang matabunan lamang ng mas malala pang iskandalo. May pagkakataong inaakala natin na kasamaan ang namamayani at nagtatagumpay.
Ganito rin ang nangyari noong unang Biyernes Santo. Tila nagwagi na ang dilim at kawalang katarungan. Parang wala nang pag-asa.
Sa ebanghelyo, binigyang katiyakan na may katapusan ang lahat. Ang Espiritu Santo ang uusig at magsisiwalat ng lahat ng kasamaan at kabuktutan ng mundo. Ibubunyag niya ang panlilinlang ng makalupang paghahari. Sa kanyang liwanag, mahahayag ang kabutihan at katwiran.
Sa gitna ng kalituhan at pag-aagam-agam, hingin natin ang kanyang patnubay: "Halina, Espiritu Santo, papagningasin mo ang pag-asa sa aming puso. Papanibaguhin mo ang anyo ng lupa."
*Martes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|