Sa Isang Salita: 'Liwanag' ni Msgr. Noel
12 May 2021
 
Si Hesus ang Salita. Ang Espiritu Santo ang Liwanag. Hindi dalawa ang mensahe ng ebanghelyo. Iisa at magkaugnay habang ipinapahayag ito sa lahat. Habang nangangaral si Hesus, kumikilos din ang Espiritu sa puso ng mga nakikinig upang maunawaan ang kanyang aral.

Pamumuhay ayon sa Espiritu ang buong buhay ng isang Kristiyano. Lahat ay biyaya. Kahit anong galing ng pagkakahabi ng salita ng nangangaral, wala itong kapangyarihang magpabago ng puso kung hindi dahil sa pagkilos ng Espiritu Santo.

"Pagdating ng Espiritu ng katotohanan," ani Hesus, "mabibigyang liwanag ang lahat ng kanyang ipinahayag."

Patuloy na kumikilos ang Espiritu sa ating panahon. Buksan ang ating puso. Maging laan at bukas sa pagpapanibago.

*Miyerkules sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN