 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Luha' ni Msgr. Noel |
| 13 May 2021 |
| |
|
Ang "perlas ay luha ng kabibe," ayon sa isang lumang kwento. Ang mga mumunting bato o buhangin na nakakapasok sa kabibe ay nagdudulot ng hapdi at sakit sa loob nito. At dahil dito, binabalot niya ito ng kanyang luha. Sa paglipas ng matagal na panahon, ang mga 'luhang' naipon ang nagiging isang mamahaling perlas.
Sa ebanghelyo, inihayag ni Hesus, "Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit itoy magiging kagalakan. Ang krus ay nagdulot ng matinding pighati at lungkot sa mga alagad ni Hesus. Sa kanilang akala, ito na ang katapusan ng lahat. Iyon pala, ang tagumpay ay nagtatago sa likod ng kabiguan. Ang kamatayan ang daan tungo sa pagkabuhay.
Walang tunay na kasawian sa mga taong nagtataguyod ng kabutihan. Pansamantala lamang ang pagkatalo at pagkabigo. Diyos ang may huling pasya. Ang ating kalungkutan ay magiging kagalakan.
*Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|