Sa Isang Salita: 'Kasalo' ni Msgr. Noel
17 May 2021
 
Maraming tao ang takot mag-isa. Ang ilan'y namamanglaw kapag walang kasama. Iisa ang sinasabi ng mga nakakapasyal sa mga monasteryo: "parang ang lungkot dito... Nakakainip kayang manirahan dito!"

Pero totoo bang pinili ng mga nakatira roon ang maging malungkot sa habang panahon?

Ang taong nakaugat sa Diyos kaylanman ay di nag-iisa. Walang pagkainip sa mga taong malalim ang pagkagagap sa kanyang kaugnayan sa Diyos.

Ani Hesus sa ebanghelyo: "Gayunmay hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayoy magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin.

Sa pananalig, si Kristo ay kasama natin. At dahil dito, ang Ama at ang Espiritu ay mananahan sa atin. Ang Kristiyano ay hindi nag-iisa. Kasalo siya sa buhay ng Diyos. Kasali siya sa komunidad ng mga nananalig.

*Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN