 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ligtas' ni Msgr. Noel |
| 20 May 2021 |
| |
|
Akala ng marami, ang kaligtasan ay ang makaiwas lang sa parusa ng impiyerno: ligtas sa apoy ng hirap at pagdurusa.
Higit pa rito ang regalo ng Diyos ng kaligtasan. Wika ni Hesus: Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan."
Hindi kumpleto ang ligaya kung wala kang kasama. Ayaw nating mamasyal o manood ng sine nang nag-iisa. Gusto nating may makabahagi sa ating sayĆ”.
Ang langit ay komunidad ng pagmamahal. Ang kaligtasan ay pakikipagkaisa sa buhay ng Diyos. "The other side of salvation is communion." Kung paanong ang nagmamahalan ay gusto laging magkasama, ganito rin ang paghahangad ni Hesus na makasama tayo sa kanyang kagalakan.
*Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|