 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Wagas' ni Msgr. Noel |
| 21 May 2021 |
| |
|
May katotohanan ang kasabihang, "handang 'pa-alipin' ang tunay na nagmamahal." Ang pag-ibig ay hindi nananatili sa damdamin. Ipinapahayag ito sa kahandaang magtiis upang tupdin ang kagustuhan ng minamahal.
Sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus na tanging paglilingkod ang patunay ng pag-ibig at katapatan. Iniutos Niya kay Pedro: "Pakanin mo ang aking mga tupa."
May kaakibat na pananagutan ang pagpapahayag ni Pedro ng pag-ibig sa Panginoon.
Sa ating pananalangin, hindi sapat ang panata at salita ng papuri. Wala na itong maidaragdag sa kaganapang likas na sa Diyos. Ang hangad Niya ay ang magpastol tayo sa mga taong minamahal niya. Palawakin natin ang saklaw ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagdamay sa nangangailangan.
*Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|