 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Susi' ni Msgr. Noel |
| 22 May 2021 |
| |
|
Ang ating mga karanasan ay parang susi. Binubuksan nito ang ibang dimensyon ng pagkaunawa sa Banal na Kasulatan. Sa paglipas ng panahon, umiinog at lumalalim ang pagninilay ng Simbahan sa ebanghelyo. Sabi ni Papa San Juan XXIII: "it is not that the gospel has changed; it's only that we have understood the same gospel better."
Ang istorya ng buhay ni Hesus ay mga patotoo ng unang simbahan tungkol sa Kanya. Ang biblia ay bunga ng pagninilay ng mga unang Kristiyano, na ang buhay ay binago ng kanilang pagkikipagtagpo kay Kristo.
Sa huling bahagi ng ebanghelyo ni San Juan, winika ng may akda na "marami pang bagay na ginawa si Hesus na di nasulat sa aklat na ito." Higit na marami ang mga istorya ng pananalig ng mga tagasunod Niya kung ihahambing sa napatala sa biblia.
Tanungin natin ang ating sarili kung paano natin dinaranas ang pagliligtas ng Diyos sa ating panahon. Patuloy tayong magkwento at magpatotoo.
Apat lang ang ebanghelyong napatala sa Banal na Kasulatan. Ikaw, ako... at tayo ang "Ikalimang Ebanghelyo."
*Sabado sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|