Sa Isang Salita: 'Pagdalaw' ni Msgr. Noel
31 May 2021
 
Ang pagdalaw ng Diyos ay may ibat ibang anyo at nagaganap sa ibat ibang sitwasyon. Ang pagpapahayag Niya sa tao ay nangyayari sa parang sakramental - sa pamamagitan ng mga elementong galing sa kalikasan.

Ang buong sangnilikha ay sagrado sapagkat ito ay sakramento ng Lumikha. Maraming bagay sa ating pagsamba o sa Liturhiya - gaya ng tubig, langis, tinapay at alak - ay nagmula sa lupa at bunga ng paggawa ng tao. Ang ilan sa mga tradisyon ng Kristiyanismo ay nakaayon sa ritmo o galaw ng kalikasan. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay ipinagdiriwang kaalinsabay pagsisimula ng panahon ng tagsibol.

Ayon sa Santo Papa, ang mga sakramento ay natatanging lugar kung saan ang kalikasan ay ginagamit ng Diyos para ibahagi sa tao ang kanyang buhay. Ang pakikipagtagpo sa Diyos ay hindi nangangahulungan ng pagtakas o paglayo sa mundo, sapagkat ang Diyos mismo ay mararanasan natin sa kadakilaan ng kanyang nilikha.

Sa Banal na Misa, nagkakaroon ng ganap na katuturan ang sangnilikha. Dito sa Eukaristiya, niloob ng Diyos na ibigay ang kanyang sarili sa anyo ng tinapay at alak, mga sangkap na nagmula sa nilikhang bagay. Ito nawa ay magtulak sa atin upang tayo ay manindigan sa panig ng kalikasan at sa kabutihan ng tanan.

*Mayo 31, Kapistahan ng Pagdalaw ni Maria kay Elisabet at huling araw ng #FloresDeMaria

#LaudatoSi
#PopeFrancis
#notocoal

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN