Sa Isang Salita: 'Moral' ni Msgr. Noel
03 June 2021
 
"Ito ang nangyayari ngayon," sabi ni Papa Francisco: "kapag bumabagsak ang inilagak nating puhunan sa banko, itinuturing nating trahedya. Subalit kapag may mga taong namamatay sa gutom, walang makain o nagdurusa dahil sa karamdaman, hindi tayo nababahala. Ito ang krisis sa ating panahon."

Sa ebanghelyo, ipinakita ni Hesus ang matalik na kaugnayan ng relihiyon sa moralidad, at ng tamang pagsamba sa kawanggawa.

Napapanahong mensahe ito sa panahon ng Covid19 pandemic. Dahil sa dami ng taong nagdaranas ng paghihirap, namimihasa na tayo sa kalalagayang ang mga nasa laylayan ay nakakaligtaan. "We are a society which has forgotten how to weep, how to experience compassion," anang Santo Papa. Humaharap tayo hindi lang sa krisis sa ekonomiya, kundi sa isang krisis moral.

Ang pag-ibig sa Diyos ay kailangan nating maipahayag sa kongkretong pagdamay sa nangangailangan. Sa ating pagmamalasakit sa iba, nagkakaroon ng saysay ang haing dinadala natin sa altar ng pagsamba.

*Huwebes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN