Sa Isang Salita: 'Ibaba' ni Msgr. Noel
09 June 2021
 
Ibaba

Sabi ng ilan, mahirap daw maging lider. Palagi ka raw mag-iisa. "It's lonely to be on top," sabi nila.

Pero hindi pag-akyat sa trono, kundi pagtungo 'sa ibaba' ang uri ng pamumuno na niloob ni Hesus. "Ang sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat."

Ang tunay na lider ay wala sa itaas ng kanyang mga pinaglilingkuran kundi kaisang-buhay nila. Sabi ni Papa Francisco, ang pastol ay dapat makasing-amoy ng kanyang mga tupa. Ito ang kahulugan ng 'ministeryo' - nagmula sa wikang Griego na 'diakonia', na ang kahulugan ay paglilingkod.

Ipinahayag ni San Agustin ang kahulugan ng Kristiyanong pamumuno nang sabihin niya: "For you, I am a bishop; with you, I am a Christian." Ang una ay pananagutan; ang ikalawa ay karangalan.

Hindi dapat tatsulok ang hugis ng istruktura sa lipunan, na habang ang ilan ay nasa tuktok, ang karamihan ay nagdarahop. Ang tapat na pamumuno ay ipinamalas ni Hesus. "Naparito Siya upang maglingkod at hindi upang mambusabos."

"When the power of love overcomes the love of power, there will be peace."

*Miyerkules sa Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN