Sa Isang Salita: 'Huwad' ni Msgr. Noel
19 June 2021
 
Ayon sa isang liham ni Papa Francisco: "The problem of our time is not atheism but idolatry." Ang ugat ng pinakamalalim na suliranin ng lipunan sa ngayon ay hindi kawalang-pananalig kundi ang pananalig sa mga diyos-diyosan.

Wika niya sa ensiklika, Evangelii Gaudium, "Lumikha tayo ng mga bagong idolo. Ang pagsamba sa huwad na diyos (Ex 32:1-35) ay bumalik sa ating panahon sa anyo ng idolatria ng salapi, at ng diktadurya ng di-makataong ekonomiya, na salat sa tunay na layunin ng ating pagkatao. "Man is reduced to one of his needs alone: consumption."

Sa likod ng bawat pagkakasala, itinatakwil natin ang tunay na Diyos at pinipili natin ang bagay at panandaliang aliw ng mundo. Dahil dito, nawawala ang tamang prioridad. Nasisira ang ugnayan at kaayusan sa pamilya at lipunan.

Dapat tayong magpasya. Hindi pwedeng maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Buhay at kamatayan ang nakataya. Kaligtasan o kapahamakan.

Sa panig ng Diyos, walang pagkabalisa at pag-aagam-agam. Mabubunyag kung saan matatagpuan ang kaligayahang tunay at hindi huwad.

*Sabado sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN