 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bangka' ni Msgr. Noel |
| 20 June 2021 |
| |
|
Sabi sa isang awit na pinasikat ng 'The Dawn:'
"Ating liliparin/ may harang mang sibat/ ating tatawirin daluyong ng dagat/ pagkat kasama mo ako/ iisang bangka tayo."
Inihahalintulad ng ebanghelyo ang Simbahan sa bangka ni Pedro. Sinasabukay ito ng mga alon at daluyong sa bawat yugto ng paglalakbay sa dagat ng kasaysayan.
Subalit hindi kaylanman mananaig ang takot at pangamba dahil nangako si Hesus ng kanyang presensya. Daig ng kapangyarihan ng Diyos ang lakas ng anumang bagyo o unos.
Kaya nating harapin ang panganib at mga pagsubok. Basta mangapit nang magkakasama tayong mga nananalig, hindi tayo bibitawan ng Panginoon sa panahon ng ligalig.
*Ikalabing dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|