Sa Isang Salita: 'Magic' ni Msgr. Noel
27 June 2021
 
Hindi isang uri ng magic ang himala. Bagamat ang magic ay tunay na kahanga-hanga at kakaiba, ang himala ay bunga ng pananalig at kaakibat ng personal na ugnayan kay Hesus.

Sa pagnanais na gumaling ng babaeng labindalawang taon nang dinudugo, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus. Kapagdaka ay gumaling nga siya. May kapangyarihang lumabas kay Hesus. Pero hindi rito natapos ang istorya. Nais ni Hesus na makita at makilala kung sino ang humipo sa kanya. Hangad Niya, hindi lang pisikal na kagalingan, kundi ang ganap na paghilom. Sa Diyos lamang may kagalingan ang lahat.

Dalawa ang kahulugan ng salitang Latin, 'salus': kagalingan at kaligtasan. Dito nanggaling ang salitang 'salute' (saludo) o pagbati. Kaya nga, laging kalakip ng ating 'pagbati' ay 'good health' at God's blessing.

Ito ang nais ni Hesus. Sa ating pananalig sa Diyos, kakamtin ang biyaya ng mabuting kalusugan at kaligtasan.

*Ikalabing Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN