 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pananalig' ni Msgr. Noel |
| 03 July 2021 |
| |
|
Higit na kilala si Sto. Tomas sa pagdududa kaysa sa pananalig. Wika niya, "hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang mga butas sa Kanyang mga kamay..."
Ang hindi nababatid ng marami, si Tomas ang nagpahayag ng pinakamalalim na pananampalataya kay Hesus nang sabihin niya: "Panginoon (Kyrios) ko at Diyos (Theos) ko..," mga katagang sa Lumang Tipan ay katumbas ng pangalang iniaangkop lang sa Diyos.
Isinatinig ni Tomas ang pananalig ng unang Simbahan. Tulad din tayo ni Tomas. Ang pananampalataya ay di agad lubos at perpekto. Maihahalintulad ito sa isang paglalakbay. Sa bawat mumunting pagtugon, lumalago tayo sa patuloy na pakikipag-ugnay sa Kanya sa araw-araw.
*Kapistahan ni Santo Tomas Apostol |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|