 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Bagahe' ni Msgr. Noel |
| 11 July 2021 |
| |
|
Madali raw makilala ang mga pinoy sa mga airport sa ibang bansa: sila yung maraming dala-dalahan. Mahilig tayong magbitbit ng bagahe, pasalubong man o pansariling kagamitan. Kapag magbibiyahe, gusto nating lahat ay dala, hangga't kaya.
May matutuhan tayo sa sinabi ni Kristo sa ebanghelyo. "Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala nang anuman..." Sa buhay man o sa misyon, mahirap ang maraming bagahe:
- adiksyon sa materyal bagay: di lang ito sagabal sa paglalakbay, nagiging sanhi rin ng distraksyon at nakakawala ng tamang prioridad. Ang isang kristiyano ay dapat manghawakan sa biyaya ng Diyos at hindi sa kanyang pag-aari.
- attachment sa relasyon: walang anumang ugnayan ang maaaring pumalit sa relasyon sa Diyos. Tinuturuan tayo ng ebanghelyo na maging malaya ang puso. Kapag inuna natin ang Diyos, lahat ng ugnayan ay malalagay sa ayos.
- galit at poot na bagahe ng buhay: "pagpagin ninyo ang mga alikabok sa inyong mga paa..." mabigat na dalahin ang 'emotional baggage.' Sabi nga, maiksi buhay para gugulin lamang sa sama ng loob at hinanakit. Madaling magpatotoo ang taong bukas ang puso sa pagpapatawad.
Anong mga bagahe sa ating buhay ang dapat na nating bitawan at iwaksi?
=oê=o
'Credential'
Sabi ng mga matatanda, mas madaling makaakit ng langaw ang isang kutsarang pulot kaysa isang bariles na suka. Sa pangangaral, mas matindi ang kapangyarihan ng isang mabuting gawa kaysa maraming salita. Wika nga ni San Francisco de Asis: Go and preach the Gospel. Use words if necessary. Nang isugo ni Hesus ang Pitumpu't Dalawa para mangaral, pinagbilinan Niya silang huwag magdala ng anuman. Isang kaabalahan lang sa misyon ang maraming bagahe. Kung mayroon man silang dapat dalhin, ito ay ang Mabuting Balita na mababanaag sa kanilang buhay. Sa harap ng hamon ng lipunang kapos sa pananalig, ito ang tanging 'credential' na maaari nilang panghawakan.
Ito ang misyon nating mga Kristiyano sa ating panahon. "The best criticism of the bad is the practice of the better" (Richard Rohr). Sinusugo tayong parang mga maamong tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat.
Kapag ang kasamaan ay malalantad sa liwanag, ito ay unti-unting mapaparam at mamamatay.
*Ikalabinlimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|