Sa Isang Salita: 'Pangilin' ni Msgr. Noel
18 July 2021
 
"Huwag ninyong sambahin ang trabaho," paalaala ni Cardinal Tagle sa kanyang homiliya. Bahagi ng kabanalan, aniya, ay ang pahinga. Habang tayo ay nagpapahinga, binibigyan din natin ang daigdig ng panahon na makapagpahinga.

Sa labis na paggawa, nagiging alipin tayo ng paghahangad at ginagawa nating diyos ang trabaho. Nawawala ang tunay na layunin ng paggawa. Sinisira at inaabuso ng tao ang kalikasan dahil sa pagnanasang magkamal ng yaman.

Sa biblia, pahinga ang tugatog ng paglikha. Sa tuwing tayo ay mangingilin, kinikilala natin Diyos bilang simula at hantungan ng ating paggawa. Walang kabuluhan ang pagpapagal sa mundo kung sa dakong huli, hindi tayo hahantong sa kapahingahan sa Diyos.

Sa gitna ng kaabalahan sa ministeryo, inanyayahan ni Hesus ang kanyang mga alagad na magtungo sa isang ilang na pook upang "makapagpahinga" sila nang kaunti.

Sabi ni Papa Francisco: We are called to include in our work a dimension of receptivity and gratuity, which is quite different from mere inactivity. Ito ang diwa ng Araw ng Pamamahinga.

*Ikalabing anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN