Sa Isang Salita: 'Kapamilya' ni Msgr. Noel
20 July 2021
 
Higit pa sa relasyon ng dugo ang pagiging tunay na disipulo ni Hesus. "Ang tumutupad ng aking salita ang aking ina at mga kapatid," paalaala Niya sa kanyang mga alagad. Ang tunay na kapamilya ni Hesus ay ang nakikinig at nagsasabuhay ng ebanghelyo.

Ang pagsunod ay pagpapaubaya ng pansariling kagustuhan sa kalooban ng Diyos. Ito ay pagkakaisa ng dalawang puso. Ang pamilyang nagmamahalan ay nagsusunuran. Madaling sumunod kapag nagkakaugnay ang puso.

Ganito ang ating pananampalataya. Ani Papa Benedicto XVI, ang ating relihiyon ay hindi lang paniniwala sa isang idelohiya o kaisipan; ito ay pagsunod kay Hesus. Ito ay ugnayang puso sa puso.

*Martes sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN