 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagkain' ni Msgr. Noel |
| 08 August 2021 |
| |
|
"Food matters" ang pamagat ng isang site sa social network. Inihayag dito ang sinabi ni Hippocrates, 'let thy food be thy medicine.' Ang pagkain ay gamot o lunas. Tamang pagkain lang ang katapat ng sakit.
"Ang aking laman ay tunay na pagkain.." Si Hesus ang lunas, siya ang buhay. Ang kumain nito ay magkakamit hindi lang ng kalusugan kundi kaligtasan. Hindi siya mamatay kailanman. We (men) become what we eat (God).
Tama! Food matters- not only for what it gives, but for what it symbolizes.
1. Food as Spiritual Symbol. Hunger is a symbol of our spirit's deepest longing. Mahirap ang walang makain, pero mas mahirap ang mawalan na saysay ang buhay. Kaya sinabi sa biblia: "man does not live on bread alone," because we have an inner yearning for things of the spirit. At times the sickness of the spirit finds expression in the body. Maraming sakit ay dulot ng kawalang kahulugan ng buhay.
Naimbento ni Victor Frankl ang logotherapy: there is healing in meaning. 'He who has the 'why' to live for can bear with almost anyhow. But Jesus in the eucharist offers us the reason to live.
2. Food as Sacramental Symbol. Isang usapan: ang sabi ng Layko: father, bless the food. Pari: sorry we don't bless the food... Layko: ha, bakit po? Pari: una, what we bless are the people who share the meal at ikalawa, we bless the food not as food but as gifts from above. Kaya nga, sa panalangin, ang formula ay: "Bless US, O Lord, and these your GIFTS." Sa kasal, maaaring gamitin ang bigas bilang aras. Binabasbasan ito bilang simbolo ng pagpapalang materyal sa pamilya.
Food as sacrament reminds us of the God from whose bounty every blessing comes. In the eucharist, Jesus chose food to mediate his presence in our midst. He himself is the Father's blessing par excellence to humanity.
3. Food As Social Symbol. A food becomes a meal only when it is shared. A bread becomes 'more bread' when it is broken. Sabi nga nung Food Matters site: When 'I' is replaced by 'we,' even illness becomes wellness.
Pero di lang yan. Ang pagkain ay buhay. Ani Papa Francisco, iwaksi natin ang "culture of waste." Dagdag pa niya, " ang pag-aaksaya ng pagkain ay para na ring pagnanakaw sa hapag ng mga mahihirap at nagugutom." The term, "food or bread," extends to material resources or money. Kaya nga, 'breadwinner' ang tawag natin sa nagtatrabaho para sa pamilya. Ang implikasyon nito, ang mag-aksaya ng pera ng mga karaniwang breadwinner (manggagawa) sa corruption o labis na "party-party" sa lipunang lipos ng karalitaan, lalo na at panahom ng pandemya, ay hindi lang insulto kundi pagnanakaw sa mga dukha. Ginigising ng Eukaristiya ang ating budhi para makiisa sa katayuan ng mga kapus-palad.
Ang pagwawaldas o pagsira sa kalikasan sa ngalan ng huwad na pag-unlad ay pagnanakaw sa kinabukasan ng darating na henerasyon.
Ang pagtanggap natin ng komunyon ay isang panawagan para labanan ang mga pagtatangka na isakripisyo ang kalikasan sa ngalan ng salapi.
*Ikalabing siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|