Sa Isang Salita: 'Langit' ni Msgr. Noel
15 August 2021
 
Ano ba ang langit? Ito ba ang lugar sa likod ng mga bituin? Sabi na Papa Benedicto XVI, "heaven is not a place beyond the stars. Heaven simply means that man has a place in God."

Ang tao, gaano man kaliit sa harap ng kadakilaan ng sangnilikha, ay mahal at mahalaga sa Diyos. Pag-ibig ng Diyos ang dahilan kung bakit tayo'y nakatakdang mabuhay kaylanman. Higit na makapangyarihan ang pag-ibig ng Diyos kaysa kamatayan. Totoong may 'forever!'

Ito ang ipinapaalaala ng Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen. Bilang unang disipulo ng kanyang Anak na si Hesus, si Maria ang unang tumanggap ng biyaya ng pagliligtas. Matapos ang kanyang paglalakbay sa lupa, nakamtan niya ang tanging lugar sa puso ng Diyos.

Dito man sa lupa, pwede nang danasin ang langit. Sabi nga, 'heaven means to be in Christ.' Manatili tayo kay Kristo. Sa ating pamumuhay ayon sa pamantayan ng Kaharian ng Diyos, magiging langit itong bahagi ng mundo. Wika ni Santa Teresita ng NiƱo Jesus: "I will spend my heaven, doing good things on earth."

*Agosto 15, Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN