 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Magpasya' ni Msgr. Noel |
| 22 August 2021 |
| |
|
Kailan tayo huling nagpasya para kay Hesus? Kailan natin tahasang pinili ang liwanag at ang daan ng katwiran.
Matapos marinig ng ilang mga tagasunod ang turo ni Hesus, sinabi nila: "Mabigat na pananalita ito." Hindi nila matanggap ang mensahe ni Hesus tungkol sa kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay. At simula noon, tinalikdan nila si Hesus. Nagpasya silang iwan ang Panginoon.
Nasaan ang ating katapatan? May mga pagkakataon na tinatalikdan natin ang mga pagpapahalaga ng ebanghelyo. Sa mga sandaling ito, marami ang sinusubok kung hanggang saan natin mapapatunayan ang ating katapatan kay Kristo at sa kanyang aral.
Ang kalooban ba natin ay kay Kristo o sa bulag na pagkampi sa ideolohiya o paniniwalang nagsusulong ng mga pagpapahalagang taliwas sa aral ni Kristo? Ani C.S. Lewis, "There is no neutral ground in the universe. Every square inch, every split second, is claimed by God and counter-claimed by Satan."
Ang ating pagkatao ay hinuhubog ng mga pasyang ating ginawa. Dito nahahayag kung tayo ay Kristiyano - sa katotohanan o sa pangalan lang.
*Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|