 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tugon' ni Msgr. Noel |
| 30 August 2021 |
| |
|
Mahirap ang buhay. Puno ng hamon at pagsubok. Walang katiyakan. Maging ang pag-iral natin ay puno ng hiwaga. Maraming tanong ang bumabagabag sa budhi.
Ito ang sitwasyong pinasok ng Diyos. Si Hesus ang tugon sa malalim na paghahanap ng tao. "Hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya..."
Konkreto ang kahulugan ng 'pagliligtas.' Ito ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay sa lipunan ngayon at dito. Pinapalaya tayo sa iba't ibang uri ng kasamaang ating kinasasadlakan - personal at panlipunan.
Dalhin natin ang ebanghelyo sa mga bagong lugar ng pagpapahayag. Uhaw ang ating lipunan sa mapagpalayang kapangyarihan ng mensahe ni Kristo.
Sabi ni Papa Francisco: "God takes us to where humanity is most wounded, where men and women continue to seek an answer to the question of life's meaning." (Gaudete et Exsultate, 135)
*Lunes sa Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|