 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Sapul' ni Msgr. Noel |
| 09 September 2021 |
| |
|
'Spiral'
Paulit-ulit. Di matatapos ang away kapag ang naghari ay galit at poot. Tulad ito ng 'spiral' ng kuwaderno: habang iniikot, tila walang tapos.
Sa ebanghelyo, itinuro ni Hesus ang tanging paraan para matigil ang siklo ng karahasan na umaalipin sa tao. Aniya, "Mahalin mo ang iyong kaaway."
Sabi Papa San Juan Pablo: "Pagpapatawad ang tanging daan tungo sa kapayapaan. Sa pagpapatawad, nagkakaroon ng bagong uri ng ugnayan ang mga tao. Pinapatid nito ang tanikala ng kasamaan na gumagapos sa ating puso."
Nahahayag ang karakter ng taong marunong magpatawad. "Only the weak are cruel. Gentleness can only be expected from the strong" (Rosten).
*Huwebes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|