Sa Isang Salita: 'Mirón' ni Msgr. Noel
10 September 2021
 
Mirón ang tawag natin sa mga taong mas maraming sinasabi kaysa naitutulong. Sa mga umpukan, sila 'yung sobrang mangantiyaw pero walang maimbag na kabutihan. Sa mga miting, sila 'yung pinakamaingay pero ayaw tumanggap ng pananagutan, at umiiwas sa ambagan.

Likas na siguro sa tao ang higit na makita ang kahinaan ng iba kaysa sa sarili. "Bago mo punahin ang dumi sa mata ng iyong kapwa, alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata," ang paalaala ni Hesus sa ebanghelyo.

Anumang pagpapanibago ay dapat magsimula sa sarili. Walang taong nalugi sa buhay dahil siya ay nagkusa sa paggawa ng kabutihan.

May kapangyarihan ang salita at pangaral ng taong may hangaring mabuti at banal.

*Biyernes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN