 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Stabat' ni Msgr. Noel |
| 15 September 2021 |
| |
|
"Stabat Mater." Nakatayo si Maria sa paanan ng Krus doon sa Kalbaryo. Hindi lamang Siya nagmamasid buhat sa malayo. Siya ay karamay ni Hesus sa kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Siya ay kaisa rin natin sa lahat ng nagaganap sa ating buhay.
Unawa tayo ng Mahal na Inang Nagdadalamhati. Sinuong niya ang hirap at sakit ng kanyang Anak na nakabayubay sa Krus. Mabisa at aktibo ang Kanyang presensya. Pumasok siya sa abang katatayuan ng sangkatauhan sa "ating pagtangis dito sa lupa, bayang kahapis-hapis."
Hindi kalabisang sabihin na ang buong ministeryo ng Simbahan ay ministeryo ng pakikiramay. Tulad ng Mahal na Ina, ang ating misyon ay pumasok sa lugar ng dalamhati at paghihirap upang maging mapanligtas na presensya ng Diyos sa ating panahon.
*Setyembre 15, Pag-aalaala sa Mahal na Birhen Dolorosa |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|