Sa Isang Salita: 'Halik' ni Msgr. Noel
16 September 2021
 
Ibang klase ang ginawang pagtanggap kay Hesus ng babaeng makasalanan sa ebanghelyo. Tumungo ito sa gawing paanan ni Hesus. At pagkatapos, "siyay nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango." Ayon sa ilang scripture scholars, ito ay isang matalik na 'public display of affection.' Ginagawa lamang ito ng magkasintahan. Ang labis na pagmamahal kay Hesus ay maihahalintulad sa pag-iibigan ng magsing-irog.

Ganito dapat ka-'close' ang ugnayan ng mga nananalig kay Kristo. "Personal at hindi trabaho lang." Debosyon at hindi obligasyon lang - bumubukal sa tapat na pananalig.

Sa kabaligtaran, malamig at wala sa loob ang pagtanggap ng pariseong si Simon kay Hesus. Hindi niya naranasan nang personal si Hesus sa kanyang buhay. 'Trabaho lang,' para sa kanya ang relasyon kay Hesus.

Ayon kay Papa Emerito Benedicto: Ang ating pagka-Kristiyano ay hindi lang isang pagsunod sa mga adhikain ng relihiyon; ito ay personal na ugnayan kay Kristo.

*Huwebes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN