Paglalakbay
18 September 2021
 
Paglalakbay
by Mila Matienzo

Samahan mo kami o Mahal na Birhen
Ang bawat barangay ating lalakbayin
Ang lahat ng taoy ating gigisingin.
Sa mahimbing nilang pagkakagupiling.

Sa panahong itong walang katiyakan,
Nang bawat taoy nagugulomihanan
Dapat ng magising ang bawat nilalang
Ang Diyos ang pag-asa ng sangkatauhan.

Maraming Salamat o Mahal na Ina
Sa ming paglalakbay lagi kang kasama.
Sa ngalan ni Kristo ang anak mong sinta.
Siya ang maghahari Dakilang Diyos Ama.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN