2021 General Reshuffle ng Diocesis ng Lucena, Isinagawa.
17 July 2021
 
2021 General Reshuffle ng Diocesis ng Lucena, Isinagawa.
-Leonard Andrew C. Ebro

Isang panibagong yugto sa ating Diocesis, na matapos ang anim na taon ay muling isinagawa ang General Reshuffle na naglalayon na bigyan ng bagong destino at misyon ang kaparian sa ilalim ng pamumuno ng Lubhang Kgg. Obispo, Mel Rey M. Uy.

Itinalaga rito sa Parokya at Pambansang Dambana ng Mahal na Birheng Dolorosa bilang bagong Lingkod Pari at Rektor si Reb. Msgr. Eugenio Antonio Viray , tubong Mauban Quezon at dalawamput anim nang taong naglilingkod bilang pari. Si Reb. P. Oliver Lacorte, tubong Tiaong, Quezon at labing isang taon nang naglilingkod sa ministeryo, ang bagong katuwang na lingkod pari at bikar ng ating Parokya.

Pormal na itinalaga si Mons. Tony bilang lingkod pari noong ika-17 ng Hulyo 2021 sa isang misa sa pangunguna ng Lubhang Kgg. Mel Rey M. Uy, kasama ang ilang kaparian ng Diocesis ng Lucena at Gumaca.

Bilang isang nagkakaisang sambayanan ay sama-sama natin silang samahan tungo sa isang makabuluhan at mabungang paglilingkod sa Panginoon at sa ating sambayanan. Maligayang Pagdating po Mons. Tony at P. Oliver.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN