I-nang N-ananatiling A-agapay, INA
 
I-nang N-ananatiling A-agapay, INA
ni: Nicole C. Evangelista

Bala't kayong ikaw ay bahagi na ba ng 'yong buhay?
Oo, malimit na lang ang makuntento at mabilang
Saya'y di mahanap dahil sa nakabibinging ingay.

Sa iyo'y minsan na bang nangibabaw ang kalungkutan?
Dumating pa sa puntong depresyon at pagsasarili?
Marahil ay natagpuan mong nalamon nito minsan.

Dumali ba ang isipin at sabihing di ka sapat?
Hinding-hindi ka karapat-dapat na maging masaya?
Nakita ang iyong gawa ay kailanma'y di sasapat?

Naisip mo man noon na hindi ka karapatdapat
Pakaisiping muli nang may panibagong damdamin
'Wag mawalan ng pag-asa dahil dasal ay sasapat.

Kung makaramdam man ng hiya na makipag- usap sa Kanya
Tara kay Maria na maghahatid tungo sa Kanya!
Sa'ting mapamanghamon na buhay ay matatakbuhan siya.

Maria, sa taga Herusalem ngalang ordinaryo
Ngunit makilala ang may ngalan nitoy 'sang kaloob
Lalo at higit na siya ay ang ina ni Hesu Kristo.

Maria, sa buhay ay batid ang saya at hinagpis
Maituturing din na inang masusumpungan natin
Pitong talim ng balaraw ay inalay at tiniis.

Ang siyang gagabay patungo kay Hesus, Inang Maria
Ilalapit tayo sa Kanya na Siyang magiging lakas
(Dahil) Sa mapagmahal na paningin niya, tayo'y mahalaga.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN