Sa Isang Salita: 'Pagbabad' ni Msgr. Noel
22 September 2021
 
"It is not the Church that has a mission, rather it is the mission that has a church."

Ang Simbahan ay umiiral para lumabas at mangaral. Higit siyang nagiging totoo sa sarili sa kanyang pakikisangkot sa mga pangyayari sa lipunan at karanasan ng mga tao.

Malinaw ito sa tagubilin ni Kristo nang isugo niya ang mga alagad. Inatasan Niya silang tumungo sa mga pook na nangangailangan ng pagliligtas at paghilom.

Ang kabanalan ay hindi paghiwalay sa mundo. Ang saklaw ng misyon ng simbahan ay ang buong tao, at hindi lang ang kaluluwa. Ang makabagong daigdig ang lugar kung saan tayo tinatawag na maging banal.

Kung noon, itinuring na ang kabanalan ay matatagpuan lamang sa loob ng bakuran ng Simbahan; ngayon ang bokasyon ng bawat Kristiyano ay maging banal sa gitna ng pagharap sa mga hamon ng daigdig.

Pakinggan natin ang tinig ng Diyos. Nagsasalita siya hindi lang mula sa aklat ng biblia, kundi sa mga tanda ng panahon.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN