 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'katiyakan' ni Msgr. Noel |
| 25 September 2021 |
| |
|
May dalawang bagay na di pwedeng iwasan ng tao: ang pagtanda at ang kamatayan. Kahit ito'y siguradong mangyayari, ayaw natin itong pag-usapan.
Nang ipahayag ni Hesus sa mga alagad, Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao," hindi ito maunawaan ng mga alagad. Iniwasan nilang pag-usapan. Mas nangibabaw sa kanila ang takot at pangamba kaysa sa pananalig.
Sa ating pagharap sa paghihirap at kamatayan, ang Diyos ay ating katiyakan. Ayon sa aklat ng mga Awit: "Ang Panginoon ang aking liwanag at kaligtasan, kanino ako matatakot. Ang Diyos ang tanggulan ng aking lakas, kanino ako masisindak." Lahat ay magbabago at mapaparam, subalit ang pag-ibig Niya ang mangingibabaw.
Ito ang dahilan kung bakit nagawang ipahayag ng unang Pilipinong Santo, na si San Lorenzo Ruiz ang mga katagang ito: "Sanlibo man ang aking buhay, handa kong ialay sa Panginoon."
*Sabado sa Ikadalawampu't Limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|