Sa Isang Salita: 'Hiwalay?' ni Msgr. Noel
27 September 2021
 
Ang pagkakaiba ay hindi dapat maging sanhi ng pagkakahiwa-hiwalay. Sadyang niloob ng Diyos na pagkalooban tayo ng magkakaibang regalo, paniniwala at pagkatao upang mas marami tayong pagbahaginan. Ang pagkakaiba ang bukal at sandigan ng pagkakaisa.

Sa ebanghelyo, sinabi ni Hesus: "ang hindi laban sa atin ay panig sa atin." Dito ay kinilala Niya na kumikilos ang Diyos nang lampas sa hangganan ng mga dibisyon na gawa lang ng tao. Higit na may mabigat na dahilan para tayo ay magkabuklod, kaysa magkahiwalay.

Ang pagkakaiba ay may puwang sa ating simbahan na tinatawag nating 'katoliko,' na ang kahulugan ay para sa lahat.

"In things essential, unity; in things non-essential, liberty; in all things charity."

*Lunes sa Ikadalawampu't anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN