ST. CATHERINE OF SIENA PARISH HISTORY
29 September 2021
 
Taon 1988 ng ipabatid ni Rev. Msgr. Mariano P. Melecia na noon ay kasalukuyang Kura Paroko ng San Pedro Bautista ng Candelaria, Quezon an gang tuklong ni San Isidro Labrador sa nayon ng Sta. Catalina ay gagawin ng ganap na simbahan.

Ito ay ipinagbigay alam kina G. at Gng. Francisco Ramirez na siyang kinikilala at iginagalang sa nasabing nayon. Ipinahayon kaagad ang usaping it okay Brgy Kapitan Vicente Buñales Jr. para ipaalam sa buong nayon ang tungkol dito. Sila ay nagsagawa ng pagpupulong upang pag-usapan kung paano at saan si;a kukuha ng ipagpapatayo nito.Di naglipat buwan at nakipagpulong si Rdo. P. Mariano P.Melecia sa mga taga-nayon. Tinalakay niya ang mga bagay sa dapat paghandaan sa pagpapatayo ng simbahan upang ito ay maging ganap na Parokya. Kaagad nagkaloob sina G. at Gng. Francisco Ramirez ng 585 metro kuwadradong lote sa pamamagitan ni Gng. Felisa Brion Amador. At ang 1.410 metro kwadradong lote na karatig ay ipinagkaloob ng pamilya nina G. at Gng. Ramon Brion. Nangalap din sila ng pondo mula sa mga magsasaka, mgat taga-nayon, sa mga may-ari ng lupang sakahan at sa mgataong 1989 itinalaga si rev. Fr. Mauro Abris bilang paring tagapamahala sa inihahandang simbahan at simula noon ay nagkaroon nang pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing araw ng Linggo. Masigasig na nangalap ng pondo so P. Abris sa tulong nina Carmen Nardo, Evarista Buñeles, Flor Ramirez, Luz Rivera, Pascuala Magboo, Soledad Ramirez at Ester Cueto. Kaya patuloy ang pagpapatambak sa lupang pagtatayuan ng simbahan. Ang mga Gawain at mga paghahandang ito ay batid at suportado ng nooy Obispo ng Diyosesis ng Lucena, ang Lubhang Kagalang-galang Ruben T. Profugo, D.D.

Taong 1990 ipinasa ang pamamahala kay Rev. Fr. Roberto Andrey at sa tulong ng mag-asawang Imelda A. Gonzalvo ng Lagalag Tiaong, Quezon, sa pamamagitan ng bayanihan at ng mga bayarang manggagawa ay napasimulan ang pagpapagawa ng simbahan.

Madaling naitayo ang altaran at naipasemento ang sahig. Sa dahilang wala pang kumbento ang nagging pansamantalang tirahan ng mga pari sa gawaing pangsimbahan ay ang gusali ng Day Care Center. Sa tabi nito malapit sa puno ng calachuci at itinayo ang bahay kubo na siyang nagsilbing bahay-pari ni Fr. Andrey, kung saan kasama niya ditto sina Pablita de Ocampo at Gina Almazan na siyang tumayong sekretarya ng Parokya.

Sa pagtutulungan ng pari at mga layko au naging ganap na parokya at pinangalanang Parokya ni Sta. Catalina de Siena at isinagawa ang canonical erection noong April 29, 1992. Ito ay binubuo ng anim na barangay: Sta. Catalina Sur, Sta. Catalina Norte, San Andres, Manggalang Bantitaln, Manggalang Tulo-tulo at San Isidro. Si P. Andre yang itinalagang unang Kura Paruko kung saan sya ay nakapagbuo ng mga kawan sa bawat barangay na nasasakupan ng parokya. Nagsasagawa siya ng Banal na Misa at ng mga simbang gabi sa mga piling kawan.

Nasimulan din ang mga Gawain sa kawan katulad ng Pagdiriwang ng Liturhiya ng Walang Pari o Dry Mass, Bibliyarasal block rosary at marami pang iba. Upang maipagpatuloy ang pangggawa ng simbahan, humingi siya ng tulong sa sambayanan sa pamamagitan ng tinatawag na tithing o ikapu. Naglunsad din sya ng ibat ibang proyekto para sa fund raising, at ang kauna-unahan ay ang Mutya at lakan ng Parokya. Sa kanyang panunungkulan ay nakapagtatag din ng mga Layko Ministro ng Parokya at siya mismo ang nagsagawa ng 13 Sabadong pag-aaral nito. Naging masigla ang parokya sa panunungkulan niya, matanda at kabataan ay minahal siya.

April 3, 1995 ng ipadala ng Kgg. Na Obispo ng Diyosesis ng Lucena Ruben T. Profugo ang dalawang bagong orden na pari na nanungkulan bilang team ministry. Sila ay sina Rev. Fr. Enrico Salvacion at Rev. Fr. Jose Fernando Defante. Sa kanilang maikling pananatili sa parokya, anaging malapit ang mga bata sa simbahan at nagging aktibo ang PYC. Naisagawa ang pagdarasal ng rosary sa araw-araw. Dumami ang kabataang sacristan at nakapagbuo sila ng samahang tinatawag ng Pocholo na siyang nagging kasama at katulong sa mga Gawain sa Simbahan. Naisagawa nila ang fund raising project na Mutya at Lakan ng Parokya 1996 kung saan ang pondo ay inilaan para sa pagpapatayo ng Blessed Sacrament. Ika-4 ng mayo taong 1996 kung saan si Rev. Fr. Angelo Jaballa ang itinalagang bagong kura paroko ng parokya. Sa madaling panahon ng kanyang pananatili sa parokya ay naipagawa nya ang Blessed Sacrament ay napalitan ng tiles ang dating sawaling dingding ng altar. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pag-aalay ng tiles ng sambayanan sa loob ng Banal na Misa at gayudin naman sa tulong ng mga kaibigan ni Fr. Jaballa.

October 1, 1996 ng ipadala ang bagong Team Ministry ng parokya, sina Rev. Fr. Alvin Cabungcal at Rev. Fr. Raphael Tolentino. Sa kanilang panunungkulan sa parokya ay napasigla nila ang 22 kawan ng aprkya. Naging aktibo at buhay ang kabataan kung saan maraming gawaing pang simbahan at pang-kabanalan ang naisagawa at naisakatuparan.

Taong 1997 ng gawing bagong kura-paruko si Rev. Fr. Quirino Macatangay. Ipinagawa nya ang silid-tulugan ng pari na dating bahay kubo at ganoon din ang altar, sa tulong ni Engr. Herminio Brion na siyang nagbigay ng tulong pinansyal. Sa kanyang panunungkulan, ipinagkaloob ng pamilya Brion ang 240 sq.n na lupang kinalalagyan ng silid-tanggapan. Sa kabuuan, mayroon nang 2,235 sq.m. na sukat ng lupa ang parokya.

Pebrero 17, 2003 ng italagang bagong kura paroko si Rev. Fr. Jose Fernando Defante. Madaming ginagawang pagbabago si Fr. Defante, kagaya ng pagbibigay ng pangalan sa bawat MSK cgapel at ganoon din ang pagpapagawa ng imahe ng Patron o patrona ng bawat tuklong sa sambayanan. Isinagawa din ang lakbay dalaw at simbang gabi sa mga piling tuklong. Napalagyan din ng bakod ang likod na nasasakupan ng Simbahan. Maraming Fund Raising projects ang kaniyang naisagawa. Napagkuhaan din niya ng pondo ang Boletin Lucentino at ang kalendaryo ng Parokya na siyang ginagamit para maipagpatuloy ang pagpapagawa ng simbahan. Mabilis niyang naipagawa ang mga upuan sa loob ng simbahan satulong ng mga piling kaibigan. Ipinagawa din ang malaking imahen ni Sta. Catalina de Siena sa loob at labas ng simbahan bilang paghahanda sa ika-15 taon ng parokya. Kasabay nito ang paglulunsad ng nobena sa karangalan ni Sta. Catalina de Siena. Kaalinsabay nito, isinagawa sa kanyang panunungkulan ang paghahanda ng simbahan para sa Unang Misa ni Rev. Fr. Warren Puno, anak nia G. at Gng. Guillermo Puno mula sa MSK Our Lady of Lourdes ng Hacienda Maloles, ang ginawaran ng banal na orden ng Lubhang Kagalang-galang Emilio Z. Marquez Obispo ng Diyosesis noong ika 20 ng Nobyembre 2006.

Pebrero 17, 2009 nang italagang bagong Kura paroko si rev. Fr. Isagani Z. Reyes. Naging maganda at maayos ang takbo ng parokya sa kanyang pamumuno bilng kura paroko. Sa twing may pagpupulong ang mga pamunuan ay palagi siyang naroon at siya ang kaagapay. Sa kanyang panunungkulan nagkaroon ng unang Christmas Tree of Life na ginagamit tuwing simbang gabi, na naging malaking tulong sa parokya. Nakapagbigay din siya ng mga regalo sa mga mahihirap na mula sa MSK. Naging aktibo din ang mga kabataan at katandaan. Naging maganda ang daloy ng pagdiriwang ng Banal na Misa sapagkat marami siyang ipinapaliwanag at nagpapahayon ng karagdagang kaalam sa sambayan tungkol sa Liturhiya. Nag sagawa din siya ng Lay Empowerment para sa ikagaganda ng pagdiriwang ng banal na Misa. Sa kanyang maikling panahon ng paglilingkod sa parokya ay naisagawa niya ang pagpapapintura ng Simbahan. Siya rin ang nagtatag ng Amigos de Sta. Catalina (ACS) na hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin ng mga kasapi ang mga hangarin ng samahan. Malaki ang naiambag ng mga ACS sa pinansyal na pangangailangan ng Parokya. Si Fr. Reyes din ang nagpagawa ng MINIATURE ng simbahan, at higit sa lahat, ang pinakamagandang naiambag niya sa parokya ay ang paglikha ng Panalangin para kay Sta. Catalina de Siena na hanggang sa ngayon ay ginagamit ng mga deboto ni Sta. Catalina de Siena.

January 4, 2010 nang italagang bagong Kura Paroko si Rev. Fr. Francisco S. Bingco. Sa kanyang panunungkulan naipatayo ang kumbento na may dalawang palapag kung saan may apat na silid tulugan at sild pulungan. Lubhang napamahal sa kanya ang sambayanan dahil sa kanyang kasimplehan, kabaitan at kababaang loob. Naging masigasig din siya sa mga fund raising projects, kung saan inilinsad nya ang Lola at Apo ng Parokya at ang Singing Contest. Napakadami niyang nagawa sa kanyang pananatili bilang kura paruko.

Pebrero 4, 2015 ng italagang Kura Paroko ng Sta. Catalina de Siena si Rev. Fr. Jose Aurelio B. Reyes. Masipag at masigasig si Fr. Reyes, sa katunauan sa kaniyang pagdating ay kaagad nyang naipagawa ang mga kakulangan ng bahay-pari o rectory . Napalagyan din niya ng Sliding door at tiles ang gusaling pulungan. Sa kanyang paglilingkod nagkarood ng araw-araw na misa ang parokya. Matiyaga niya itong ginagawa kahit iilan lang ang dumadalo. Ayon sa kanya matuto din ang mga taong magsimba araw-araw kapag nalaman nilang mayroong Misa. Nagkaroon din ng pagbabasbas ng mga maykaarawan at anibersaryo ng kasal na ginagawa sa loob ng banal na misa. Masipag din siya sa pagdalaw at pagmimisa sa mga MSk kung saan isinasagawa din nya ang pagbabasbas ng mga tahanan. Siya ang nagtatag ng kauna-unahang Hermano at Hermana ng Parokya, na katulong ng PCEA sa mga pinansyal na pangangailangan ng Simbahan. Sa pamamagitan nila ay naitayo ang konkretong Stage para sa tanghalan ng Parokya.

Sa kasalukuyan, sinisikap ni Rev. Fr. Reyes at sa tulong ng sambayanan ang pagtatayo ng Bell tower. May mga pangangalap din ng pondo syang ginawa kagaya ng kauna-unahang G. at Gng. PArokya at ng Mr. & Miss Jubilee. Sa pamamahala ni Rev. Fr. Reyes,Disyembre 15, 2016 ng iginawad ang Banal na Orden sa ikalawang Pari ng Parokya na si Rev. Fr. Jufer Grevaleo I. Gutierrez mula MSK San Simon. Para sa kaalaman ng lahat hindi pa man naitatayong Parokya ang Sta. Catalina ay mayroon nang 3 pari at 1 madre na ang nagmula ditto. Sila ay sina Rev. Fr. Pedro Katigbak Jr. mula sa MSK Alejandria ng sta. catalina norte, Rev. Fr. Nelson Tatlonghari ng MSK San Augustine ng San Isidro, Rev. Fr. Genaro de Castro ng MSK Our Lady of Lourdes ng Hacienda Maloles at si Sr. Alicia Samadan MCST mula sa MSK San Pedro ng Sta. Catalina Sur. Sa kasalukuyan ay may naiambag nang 5 pari at 1 madre ang Parokya ni Sta. Catalina se Siena sa Inang Simbahan.

Bilang paghahanda sa ika-25 taon ng parokya, isang taong nagging makulay at masigla ang mga gawaing pamparokya na kinapalooban ng paglunsad ng Taon ng Parokya sa kabukluran ng Munting Sambayanang Kristiyano, Santo Niño Festival, Araw ng mga Pari, paglulunsad ng Divine Mercy, MSK General Assembly, Libreng konsulta at gamut, pagkukumpil, PPC, PCEA, Committees at MSK Oath Taking, Prusisyon para sa kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary, Pagbabasbabas ng mga Senior Citizens, Lolo & Lola, mga Ama at Ina, Kabataan at Maysakit at gayundin naman ang pagdalaw, pagbabasbas ng mga tahanan at pagdiriwang ng Banal na Misa sa mga MSK.

Kaalinsabay nito, ay nagkaroon ang parokya ng selebrasyon ng Anibersaryo ng Pagkapari kung saan si Rev. Fr. Reyes ay nagdiwang ng kanayang ika-40th Sacerdotal Anniversary na ginanap noong ika-18 ng Abril 2017. Isang malaking karangalan sa parokya na dinalaw at pinangunahan ang pagdiriwang ng banal na Misa ng Tatlong Obispo  Arsobispo Angel N. Lagdameo ng JAro, Bishop Antonio R. Ranola ng Cebu at Bishop Emilio Z. Marquez ng Diyosesis ng Lucena. Ang banal na misa ay dinaluhan din ng apatnaputpitong (47) kapatid na pari mula sa mga Diosesis mg Lucena, Boac, Gumaca at Arkidiyosesis ng Jaro aty Cebu.

Simula noong Abril 20 hanggang ika 28, 2017 ay isinagawa ang siyam (9) na araw ng Misa Nobenaryo sa karangalan ni Sta. Catalina de Siena kung saan pinamunuan ito ng mga bisitang mga pari na nanguna at nagpaliwanag ng Parokya at Gawain ng mga Lupon sa pagsapit ng ika-25 taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Parokya. Ang mga paring nagging panauhin ay sina P. Noel Cabungcal, P. Angelo Brucal, P. Florencio Nombrefia, Mons. Carlos Herrera, Mons. Melecio Verastigue, P. Everett Calvendra, P. Renato Pareja, P. Bienvenido Lozano at ang ika-siyam na araw ay pinangunahan ng unang Lingkod Pari, P. Roberto Andrey.

Ika-29 ng Abril ang kapiyestahan ng parokya ng Sta. Catalina de Siena at ang selebrasyon para sa ika 25 anibersaryo ng Pagkakatatag nito. Pinamunuan ng Lubhang Kagalang-galang Emilio Z. Marquez, Obispo ng Diyosesis ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa karangalan ng Patrona ng Parokya, Sta. Catalina de Siena. Dinaluhan din ito ng mga kaparian ng Diyosesis ng Lucena at ng unang kura-paroko na si Rev. Fr. Roberto A. Andrey. Bilang pasasalamat sa mga paring nagdiwang ng Banal na Misa, ipinagkaloob sa bawat isa ang kasulya na may logo ni Sta. Catalina de Siena.

Naging masigla ang pagdiriwang dahil sa aktibong pakikiisa ng mga mananampalataya at MSK na walang sawang pinupuntahan at pinagmimisahan ni Fr. Reyes kasama ang mga Lay Ministers at MSK Leaders. Gayundin naman, buong pusong sinuportahan ng PPC, PCEA, mga lupon ng MSK at mga Hermanos at Hermanas Mayor ng Parokya ang pagdiriwang ng Kapiyestahan. Naging matagumpay din ang isinagawang paligsahan sa pag-awit at ang Mr. and Ms. Silver Jubilee ng Parokya.

Sa tulong ng mga kaibigan na naglaan ng panahon at yaman, nagbunga ang kasigasigan ni Reb. P. Reyes na maipatapos ang Belfry o kampanaryo ng parokya. Matibay ang kanyang paniniwala na ang Belfry na mayroong kampanang maayos at magandang tunog ay isang paraan ng pang-akit sa mga mananampalataya. Ang tunog nito na nagbabadya ng isasagawang Banal na Misa, o pagtawag sa lahat ng isang gawaing pang-parokya o pagpapaalaala sa mananampalataya sa oras ng pananalangin; ay isang mabuting paraan upang ang mga tao ay makagampan ng gawain para sa buhay-ispirituwal at mas lalong mapalapit sa Poong Maykapal. Ayon sa kanya, ang Belfry ay bahagi ng bawat simbahang baton a di dapat ipagwalang bahala.

Bilang pagtanggap ng sambayanan, ang pagbabasbas ng Belfry ay isinagawa noong ika-23 ng Oktubre 2017 na piangunahan ni Bishop Emilio Z. Marquez, kasama ang Lingkod pari Rev. Fr. Jose Aurelio B. Reyes at ang buong sambayanan ng Parokya ni Sta. Catalina de Siena.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN