 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Credential' ni Msgr. Noel |
| 30 September 2021 |
| |
|
Sabi ng mga matatanda, mas madaling makaakit ng langaw ang isang kutsarang pulot kaysa isang bariles na suka. Sa pangangaral, mas matindi ang kapangyarihan ng isang mabuting gawa kaysa maraming salita. Wika nga ni San Francisco de Asis: Go and preach the Gospel. Use words if necessary. Nang isugo ni Hesus ang Pitumpu't Dalawa para mangaral, pinagbilinan Niya silang huwag magdala ng anuman. Isang kaabalahan lang sa misyon ang maraming bagahe. Kung mayroon man silang dapat dalhin, ito ay ang Mabuting Balita na mababanaag sa kanilang buhay. Sa harap ng hamon ng lipunang kapos sa pananalig, ito ang tanging 'credential' na maaari nilang panghawakan.
Ito ang misyon nating mga Kristiyano sa ating panahon. "The best criticism of the bad is the practice of the better" (Richard Rohr). Sinusugo tayong parang mga maamong tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat.
Kapag ang kasamaan ay malalantad sa liwanag, ito ay unti-unting mapaparam at mamamatay.
*Huwebes sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|