 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Tapat' ni Msgr. Noel |
| 03 October 2021 |
| |
|
Tanong: Sino ang unang nilalang ng Diyos ayon sa kanyang larawan? Ang sagot: hindi lalaki, kundi ang "buong" tao. Ayon sa aklat ng Genesis, bago pa likhain ng Diyos ang babae, "bahagi" pa siya ni Adan. Ang unang nilikhang tao, babae at lalaki, ang sumasalamin sa larawan ng Diyos.
Itinuturo ng simbolikong istorya ng Paglikha sa Tao ang kaisahan ng mag-asawa sa kasal. Ang pagtutuwang ng lalaki at babae bilang mag-asawa ay pagbabalik sa orihinal na layunin ng Diyos sa paglikha ng tao. "Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa at sila ay magiging isa..."
"Marriage is a return to the original unity of male and female that God has designed in creation." Tumitingkad ang larawan ng Diyos sa wagas na pagmamahalan ng mag-asawa sa sakramento ng kasal.
Sa katapatan ng mag-asawa sa isa't isa, kapwa sila nagiging buhay na larawan ng Diyos, na unang nagmahal nang tapat sa ating lahat.
Isang banal na bokasyon ng mga mag-asawang Kristiyano ang maging buháy na modelo ng pagmamahal ni Kristo sa Simbahan.
*Ikadalawampu't pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|